3 Illegal Loggers sa Cagayan, Arestado

143

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang tatlong kalalakihan na sinasabing mga illegal loggers sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Nadakip ng mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ang tatlong mga suspek na kinilalang sina Bolter Tabula Manguibunung, 27 taong gulang, binata at isang high school graduate; Jimmy Miguel Sison, 42 taong gulang, byudo; at Michael Pascual Sibayan, 27 taong gulang na pawang mga residente ng Brgy. Masi, Pamplona, Cagayan.

Nahuli ang mga suspek habang nagsasagawa ng intelligence operation ang mga operatiba ng 2nd PMFC sa naturang bayan upang beripikahin ang mga sumbong ng mamamayan sa lugar.


Naaktuhan ang tatlo na naglalagari ng mga putol na kahoy partikular sa brgy Tabba, Pamplona, Cagayan.

Dahil dito, agad na inaresto ang mga suspek at kinumpiska ang mga pinutol na kahoy na tinatayang aabot sa 395 boardfeet na nagkakahalaga ng P10,000.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang mga suspek para sa dokumentasyon at sila’y mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Anti Illegal Logging.



Facebook Comments