3 in 1 activities kabilang ang isinusulong na Pederalismo isinagawa sa Maguindanao

3 in 1 o tatlong mga aktibidad ang sabayang isinagawa kahapon sa bayan ng Datu Piang sa lalawigan ng Maguindanao..Ito ang Joint Peace and Security Coordinating Council meeting, Cascading of Community Anti Terrorism Awareness (CATA) summit at Orientation on the Basic Feature of Federalism. Marami ang dumalo sa summit mula sa ibat ibang sektor para magbigay ng suporta at makinig sa adhikain ng kasalukuyang administration sa pangunguna ni Pres.Duterte sa isinusulong na Pederalismo. Kabilang sa nagpahayag ng pagsuporta si Datu Piang Mayor Datu Genuine Kamaong na ayon sa kanya ay magpapalakas pang lalo sa sistema ng pamamahala sa gobyerrno.
Samantala binigyang diin ni Datu Apan Mangudadatu Piang , Regional Chairman ng PDP Laban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung bakit suportado nila ang isinusulong na Pederalismo dahil malaking tulong ito para sa pangkalahatan. Matutugunan aniya ang bawat lugar ang ninanais nilang kaunlaran. Sa ngayon ay patuloy ang pagsusulong ng pederalismo at marami ng lugar ang kanilang napuntahan at ito aniya ang kauna unahang iorientation ng Federalism na isinagaqa sa Bangsamoro area.(Amer Sinsuat)


Facebook Comments