3, inaresto sa ginagawang demolisyon sa Maynila

Tatlong indibidwal ang inaresto ng Manila Police District o MPD sa ginagawang demolisyon sa Mayhaligue Street na sakop ng Brgy. 262 at 264 sa Tondo, Maynila.

Dinakip ang ilan sa mga humaharang at nanakit ng mga pulis kung saan nakita rin sila na nambato.

Nabatid na muling sumiklab ang tensyon nang simulan muli ang demolisyon na bahagyang itinigil kanina dahil sa umulan.

Napilitang bombahin ng Bureau of Fire Protection o BFP Manila ang gate papasok sa mga bahay na nakatakdang gibain bunsod na rin ng demolition order mula sa Korte.

Ang mga residente ay nagawang mambato ng mga plastic na may lamang ihi at gumamit pa ng fire extinguisher para mapigilan makapasok ang demolition team.

Hindi naman na tumuloy ang demoliton team at MDP para maiwasan na magkaroon pa ng sakitan kumg saan ang tatlong dinakip ay dinala na sa presinto at nakatakdang kasuhan.

Facebook Comments