
Nasakote ng mga operatiba ng Taytay Muncipal Police Station ang tatlong lalaki matapos mahuling naglalaro ng ‘Cara y Cruz’ sa kahabaan ng Italia St., Barangay Muzon, Taytay, Rizal.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Wang’, 53-anyos, alyas ‘Carlo’, 30-anyos, at alyas ‘Bato’, 21-anyos.
Nakuha mula sa tatlo ang ₱500 pot money, tatlong one peso coins, at isang coin purse.
Samantala, nakumpiska sa mga naarestong suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 20 grams at nagkakahalaga ng ₱136,000.
Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law at Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments









