
Napigilan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang bangkang naglalaman ng ₱21 milyong halaga ng mga smuggled cigarettes sa isinagawang seaborne patrol sa katubigan ng Manalipa Island, Zamboanga City.
Sa nasabing operasyon nakita ng mga operatiba sa isang motor banca na tinatawag ding “Jungkung” ang markang “Colombia” na naglalaman ng mga walang dokumentong sigarilyo.
Dahil dito naaresto ang 3 indibidwal na pawang mga crew ng nasabing sasakyan.
Narekober dito ang kabuuang 332 na mga masters cases ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 21 milyong piso.
Sa ngayon ang mga nakumpiskang kontrabando ay nasa kustodiya ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (Seaborne) habang ang 3 indibidwal na naaresto ay nasa kustodiya naman ng Zamboanga City Police Station 4 para sa dokumentasyon at sa iba pang legal na pagpoproseso.










