3 indibidwal na ilegal na nagbebenta ng paputok, naaresto ng PNP-ACG

Naaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa isinagawang magkahiwalay na entrapment operation ang 3 indibidwal na nagbebenta ng ilegal na paputok.

Ang unang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba sa Tondo, Manila kung saan nahuli ang dalawang lalaki na kinilalang si alyas “Mon” 22 taong gulang at “Tom” 21 taong gulang.

Ang nasabing mga akusado ay nagaalok online ng 7,800 pesos na halaga ng ilegal na paputok .

Samantala, ang pangalawang operasyon ay isinagawa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kung saan isang 21 taong gulang na lalaki ang naaresto kasama ng 2,750 pesos na halaga ng ilegal na paputok na ibinibenta rin online.

Ang lahat ng nakumpiska ay nasa kustodiya na ng pulisya at 3 akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA No. 7183 o Act regulates the manufacture, sale, distribution, and use of firecrackers and pyrotechnic devices.

Nagpaalala naman ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag, umiwas sa pakikipagtransaksyon sa mga ilegal na nagbebenta ng paputok online at unahin ang kaligtasan ngayong papalapit na ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Facebook Comments