Sa report ng Police Regional Office 2, kinilala ang mga suspek na sina alyas Justine, 29-anyos, driver, at residente ng 402 Lulian Felipe St. Sangadaan, Barangay 8, Caloocan City; alyas Jessie, 40 taong gulang at residente ng 1057 Gen San Miguel, Sangandaan Barangay 4, Caloocan City; at si alyas Arnold, 19 taong gulang, binata, at residente naman ng Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City.
Sa imbestigasyon ng PNP, dakong ala-3:00 ng madaling araw noong July 3, 2022 ng maharang ng mga tauhan ng Department of Agriculture ang mga suspek sakay ng isang puting Mitsubishi L300 na naglalaman ng humigit kumulang apatnadaang (400) mga pangkarerang kalapati.
Bigo umano ang mga suspek na magpresenta ng anumang legal na dokumento para sa pagdadala ng nasabing mga kalapati na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Nabatid na ang mga kalapati ay nagmula pa sa lungsod ng Malabon, Caloocan, at Metro Manila kung saan ang mga naarestong indibidwal ay naatasang palayain ang mga ito sa bayan ng Claveria, Cagayan.
Ang nasabing mga kalapati ay isinailalim sa avian influenza virus test habang ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Sta Praxedes PS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.