
Nahuli na ang tatlong indibidwal na sangkot sa pagnanakaw ng kable sa CCTV na sana’y pang-monitor sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.
Ayon kay PNP PCol. Reycon Gardauque, kasalukuyan nang nakakulong ang tatlong suspek sa headquarters ng Makati at napag-alaman na mga nangangalakal ang mga gawain nito.
Aniya, bumalik pa ang mga naturang indibidwal sa footbridge ng Guadalupe para kuhanin pa ang natitirang kable pero hindi nila alam na may nakabantay nang pulisya sa lugar.
Sasampahan naman ng kasong theft ang mga indibidwal habang pinaghahanap pa ang iba na kasabwat sa pagputol at pagnanakaw ng kable.
Facebook Comments









