Ibinahagi ng tatlong Israeli health experts sa Pilipinas ang mga istratehiya na ipinatupad sa kanilang bansa para mapagtagumpayan ang laban kontra sa COVID-19.
Ayon kay Ben Zaken, Deputy Director General ng Ichilov Medical Center, sa pamamagitan ito ng aggressive testing, systematic data gathering at efficient vaccine rollout.
Aniya, kada linggo ay sumasailalim sa libreng RT-PCR test ang mga tao sa kanilang bansa.
Aniya, ang mga tao namang nabakunahan na mula sa ibang bansa ay ipinapakita lamang ang mga dokumento bilang patunay at maaari na sila dumiretso sa kanilang destinasyon.
Pero kung wala, isasailalim pa ang mga ito sa quarantine at sila ay babakunahan.
Paliwanag naman ni Dafna Segol, consultant of Healthcare Policy and Innovation, ang istriktong pagsunod sa quarantine measures at border protocols ay malaking tulong sa pagbaba ng COVID-19 cases.
Ibinahagi rin ng mga Israeli health expert ang mga hakbang sa kanilang vaccination program.
Una, dapat ay “flexible” ang programa para sa epektibong “emerging realities.”
Pangalawa, ang pag-maximize ng doses sa bawat “vial” para maiwasan na masayang.
Pangatlo, ang “information campaign” kaugnay ng vaccination program para mahikayat ang mga ito na magpabakuna.