3-K manggagawa sa turismo, apektado ng sunud-sunod na lindol sa Visayas at Mindanao

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na mahigit 2,000 tourism workers ang apektado ng sunod-sunod na lindol sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, partikular na naapektuhan ang mga manggagawa sa tourist sites na napinsala ng lindol sa Cebu at Davao.

Sinabi ng kalihim na sa Cebu pa lamang ay mahigit 2,000 na manggagawa na ng turismo ang naapektuhan, habang 1,000 workers naman sa Davao.

Sa ngayon aniya, may mga tourist destinations pa ang nananatiling sarado dahil patuloy pa itong sinusuri.

Sa ngayon aniya, may mga lugar pa naman sa Cebu at Davao ang patuloy na tumatanggap ng mga bisita lalo na ang mga hindi naman naapektuhan ng pagyanig.

Facebook Comments