Patuloy na nag-i-improve at bumababa ang kaso ng Coronavirus disease sa South Korea.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Charge d’ Affaires Christian De Jesus ng Embassy of the Republic of the Philippines in South Korea na kahapon walong bagong kaso na lamang ang naitala sa South Korea.
Ayon pa kay De Jesus, 4 na kababayan natin ang tinamaan ng COVID-19 sa South Korea ang 3 dito ay patuloy na naka admit sa ospital habang ang isa naman ay na-discharged na.
Iniulat pa ni De Jesus na hindi masyadong apektado ang mga OFWs sa SK dahil karamihan sa kanila ay nagtratrabaho sa manufacturing sector na kasama sa supply chain o nagbibigay ng essential needs.
Tanging ilang mga kababayan natin ang apektado ng COVID-19 na pawang mga talents o yung mga nagttrabaho sa hotel, bar at club ang walang trabaho sa ngayon dahil sa lockdown.
Paliwanag ni De Jesus napagkalooban naman ang mga ito ng 200 dollars mula sa gobyerno ng Pilipinas gayundin ng grocery at care packages.