Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Arsenia Babaran,82-anyos, kasalukuyan ang kanyang pagligo ng dali-dali itong puntahan ng kanyang kaanak sa loob ng banyo upang lisanan ang kanyang bahay dahil sa mabilis na kumakalat ang apoy sa kanyang bahay.
Ayon sa kanya, tinatayang nasa P3 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa kanyang mga ari-arian.
Bukod sa kanya, tinupok rin ang isa pang bahay na pagmamay-ari ni Elsa Babaran na kasalukuyan noong abala naman sa pag-aayos ng mga gamit sa loob ng kanilang kwarto.
Kwento nito, nakarinig siya ng putok sa labas ng kanyang bahay at tumambad sa kanya ang nag-aapoy na tangke ng tubig sa bahay ng nakatatandang Babaran at mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin na rin ang kanilang bahay.
Sa kanyang pagtaya, umabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa kanyang mga ari-arian kabilang na nga mga alahas, aircon, television, limang cellphone at cash.
Malungkot nitong ibinahagi sa news team na kahit isang gamit ay wala siyang naisalba ngunit ipinagpapasalamat na lamang ng kanyang pamilya na walang naapektuhan o sugatan ng mangyari ang sunog.
Nadamay naman sa sunog ang kusina ni Teodora Babaran na kasalukuyan ding nasa loob ng kanyang bahay at abala sa kanyang mga ginagawa.
Laking pasasalamat nito na naisalba niya ang imahe ng Birhen at mga dokumento ng kanilang bahay.
Samantala, patuloy na inaalam pa rin ng mga rumespondeng kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan, PNP at Rescue team ang totoong sanhi ng nangyaring sunog.
Tiniyak naman ng barangay na nasa maayos na kalagayan ang mga apektadong pamilya.