3 Kabataan sa Lungsod ng Cauayan, Arestado sa Pagnanakaw!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang tatlong kabataan na kinabibilangan ng dalawang menor de edad matapos magnakaw bandang alas dyes kagabi sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang 18 anyos na suspek na si Patrick Paul Barreto, binata, residente ng Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela at dalawa pang kasama nito na mga menor de edad na mga residente ng Lungsod ng Cauayan samantalang ang biktima ay nakilalang si Alfonzo Bayanggat, may asawa at residente naman ng Calaocan, Metro Manila.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, habang naka nagcheck-in ang biktima sa isang hotel ay nakatanggap ito ng text message mula sa isang menor ded edad na babae na itago sa pangalang Joan at nag alok ng massage service sa biktima.


Bilang bahagi ng masahe ay sinabihan ng suspek ang biktima na magshower muna ito bago magmasahe.

Habang nasa loob ng banyo ang biktima ay kinuha itong pagkakataon ng mga suspek na nakawin ang mga gamit ng biktima.

Sa follow-up operation naman ng pulisya ay agad na nadakip ang mga suspek kung saan nakuha sa pag-iingat ni Barreto ang 2 unit ng cellphone at susi ng motorsiklo.

Nakuha naman sa mga menor de edad na suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng isangdaan at limampung libong piso (P150,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek na mahaharap sa kasong Theft habang ang dalawang menor de edad ay ipinasakamay na sa tanggapan ng CSWD.

Facebook Comments