Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission na tatlong miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang iniimbestigahan ngayon dahil sa issue ng katiwalian.
Ayon kay Atty. Manuelito Luna Commissioner ng PACC, ang tatlong iniimbestigahang kalihim ay sina TESDA Director General Isidro Lapeña, National Commission on Indigenous People Chairperson Atty. Leonor Quintayao at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sinabi ni Luna na nagsimula ang imbestigasyon nila kay Bello ay matapos silang makatanggap ng reklamo ng ilang may-ari ng agencies laban dito.
Dahil naman aniya sa kontrobersiyal na shabu shipment sa BOC ang dahilan ng imbestigasyon kay Lapena habang neglect of duty naman ang dahilan ng imbestigasyon kay Quintayao at dawit din sa imbestigasyon ang mga ilang regional directors ng NCIP.
Dag-dag pa ni Luna, target nilang tapusin ang imbestigasyon sa mga kalihim sa Pebrero na nasimulan naman noong nakaraang taon.
Kapag aniya natapos na ang imbestigasyon ay susumite sila ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.