44 nang mga kalsada sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette ang bukas na sa mga motorista.
Sa kabilang dako, 3 pang mga kalsada ang hindi pa madaanan dahil sa bumagsak na tulay, mga nakaharang na bumagsak na punong kahoy at mga poste ng kuryente.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang sa mga main road na nananatiling sarado sa trapiko ay sa Palawan at Cebu.
Apat naman na lugar ang pahirapan ang pagdaan ng mga motorista dahil sa mga gumuhong lupa, napinsalang tulay at baha.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1) Balilihan Hanopol-Bayuan Road sa Bohol.
2) Dinagat-Loreto Road sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands.
3) NJR Bah-Bah-Talacogon Rd. Sa Brgy, Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur.
4) NRJ Bayugan-Calaitan-Tandag Road sa Brgy. Berseba, Bayugan.