3 kasapi ng armed lawless group napatay matapos maka engkwentro ang militar sa South Cotabato

Nasawi ang tatlong kasapi ng armed lawless group matapos makasagupa ang 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police Station sa South Cotabato nitong July 16, 2024.

Base sa report ng Joint Task Force Central, nakatanggap ng impormasyon ang 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa Camp Española, Purok Salol, Barangay Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Agad rumesponde ang mga awtoridad kung saan pagdating ng tropa sa lugar agad nagpaputok ang nasa 8 kalalakihan at gumanti naman ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkasugat ng 1 pulis.


Tumagal nang dalawampung minuto ang putukan na nagresulta sa pagkakasawi ng 3 rebelde at pagkakarekober ng matataas na kalibre ng baril.

Samantala, pinapurihan naman ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng Western Mindanao Command ang militar at pulisya sa pag neutralisa sa mga rebelde kaya’t hindi na ito nakapagdulot pa ng gulo sa mga komunidad.

Facebook Comments