3 Katao, Huli sa Aktong Pagsusugal!

600

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa pagsusugal sa Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina Loreto Macadangdang, 47 anyos, may-asawa, construction worker, residente ng Cullalabo del sur, Burgos, Isabela, Clarita Madarang, 74 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela at Loren Pimentel, 46 anyos, may-asawa, negosyante at residente naman ng Mabini, Gamu, Isabela.


Nahuli ang tatlong suspek matapos matimbrehan ang PNP Burgos kaugnay sa kanilang pagsusugal.

Sa pagresponde ng kapulisan ay naaktuhan ang mga ito na naglalaro ng “Tong-its” na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.

Nakumpiska sa mga ito ang mga ginamit na baraha at pera na nagkakahalaga ng Php490.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang tatlong naaresto.

Facebook Comments