3 Katao kabilang ang 11-anyos na Bata, Sangkot sa Aksidente

25

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling pa sa ngayon ang isang binata matapos magtamo ng sugat sa katawan sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at tricycle bandang 8:30 kagabi sa intersection road na bahagi ng FN Dy Boulevard (Cabatuan Road) sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Johnny Tuliao, 20-anyos, isang machine operator at residente ng Brgy. Dicamay, San Mariano, Isabela habang ang suspek na driver ng tricycle na si Merlito Dumelod, 42-anyos, may-asawa at residente naman ng Brgy. District 3, Cauayan City.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, magkasalungat na binabagtas ng biktimang si Tuliao at suspek na si Dumelod ang pambansang lansangan sakay ang kanyang asawa at anak at sakto namang patawid ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo na nagresulta ng pagbagsak ng dalawang behikulo sa daan.

Sa ngayon, unconscious o wala pang malay ang biktima na si Tuliao habang isinugod sa Cauayan City District Hospital ang asawa ng suspek na si Susana at anak ng suspek na si Jhoss Dumelod.

Ikinostodiya na sa pulisya ang suspek kasama ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments