3 Katao mula Mt. Province, Arestado sa Pagpupuslit ng Narra!

40

*Cauayan City, Isabela- *Tatlong (3) katao ang nadakip ng otoridad matapos masabat sa pagpupuslit ng iligal na pinutol na kahoy sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela.

Dakong alas 12:10 kaninang madaling araw nang maaresto sina Israel Ma-Anong, 25 anyos, may-asawa, Rogel Novenado, 35 anyos, may-asawa, magsasaka at Rizaldo Novenario, 18 anyos, binata at pawang mga residente ng Paracelis, Mt. Province.


Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang nasa humigit kumulang 500 board feet ng magkakaibang laki ng Narra na isinakay sa Toyota GL Grandia van na may improvised plate number na SDK 6371 na minamaneho ni Ma-Anong at pagmamay-ari naman ni Lorenzo Carpio.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang kahoy ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments