3 katao, nahulihan ng ilegal na droga matapos na magpatupad ng ECQ sa Pasig City

Sa kabila ng paalala ng gobyerno na manatili na lamang sa kani-kanilang mga  tahanan, mayroon pa rin matitigas ang ulo na lumalabas at nahulihan pa ng ilegal na droga sa Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Dexter Fuentes 35 anyos, barker, Melchor Ramoga 40 anyos at Gerlie Doruelo, 31 anyos, vendor.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Pasig Police kaugnay sa mahigpit nilang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa naturang lugar kung saan naaresto ang tatlo at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, 1 pirasong improvised aluminum totter na may bakas ng shabu, 1 pirasong aluminum foil strip at 2 pirasong disposable lighter.


Paglabag sa RA 9165 at Disobedience in Relation to Lawful Order of RA 11332 ang kasong isinampa laban sa tatlong mga pasaway na suspek.

Facebook Comments