3 KATAO SA CAGAYAN, PATAY SA PAMAMARIL

CAUAYAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong indibidwal matapos masawi ang mga ito sa isang shooting incident sa Barangay Centro 2 sa bayan ng Lasam, Cagayan, gabi ng Lunes, ika-29 ng Hulyo.

Sa ulat ng Cagayan PIO, kinilala ang mga nasawi na sina Rex Udarbe 49-anyos ng Brgy. Centro 01, Dennis Purification, 56-anyos ng Brgy Ignacio B. Jurado, at Domingo Rigayan 35-anyos. Habang ang nasa likod naman ng pamamaril ay si Oliver Pagaduan 29-anyos, kapwa residente sa Brgy. Sicalao sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na alitan ang naging ugat ng nasabing pamamaslang.


Ayon sa imbestigasyon, sa di malamang dahilan bigla umanong hinamon ng suspek ang dalawang biktima ng suntukan.

Kumasa naman sa hamon ang dalawa at paglabas ay nagkaroon nga ng suntukan. Subalit, makalipas ang ilang minuto bigla umanong binunot ng suspek ang kanyang pistol at saka pinagbabaril ang dalawang biktima.

Sinubukan namang umawat ni Rigayan, ngunit binaril din ito ng suspek.

Ayon pa sa pulisya, wala umanong dating alitan ang mga biktima at suspek at sa katunayan ay iyun lamang ang kanilang unang pagkikita kaya naman posibleng napagtripan lamang ang mga ito ng suspek.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang hot pursuit operation para sa tumakas na suspek.

Facebook Comments