3 katao timbog sa Bagua 3 dahil sa Shabu

Kalaboso ang tatlo katao sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM at Cotabato City PNP sa Purok 6, Brgy. Bagua 3.
Kinilala ang mga naaresto na sina Gunaid Lumabao at misis nitong Mariam, at si Arbaya Macacua.
Naaresto ang mga drug suspek sa buy bust operation. Nakumpiska sa mga ito ang mga pakete ng shabu , drug paraphernallias at marked money.
Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa sa mga naaresto.
Patuloy ang panawagan ng PDEA ARMM at City PNP na itigil na ang pagbebenta at pagamit ng ipinagbabawal na gamot bunsod na rin sa puspusang gagawing operasyon ng mga ito.

Pic Courtesy of CNG

Facebook Comments