Cauayan City, Isabela- Dinakip ang tatlong (3) kalalakihan na naaktuhang nangongolekta ng taya ng sugal na STL sa Brgy. Villa Maria, Enrile, Cagayan.
Ayon sa PNP Enrile, agad na nagsagawa ng pagmamanman ang tropa matapos makatanggap ng sumbong na mayroong tatlong kobrador na nagpapataya ng ipinagbabawal na sugal.
Nang maaktuhan ang tatlong kobrador ay agad silang inaresto.
Nakilala ang mga nahuli na sina Dexter Ugale Decena, 21 taong gulang, binata, kobrador, residente ng Maddarulug Sur, Enrile; Nino Narag Gazmen, 24 taong gulang, may asawa, kolektor, residente ng Maddarulug Norte, Enrile; at Rupert Shakespeare Pauig Coreo, 36 taong gulang, binata, kolektor at residente naman ng Brgy. Alibago, Enrile, Cagayan.
Mahaharap sa kasong paglabag sa PD1602 o Illegal Gambling at RA 11332 ang mga suspek.
Matatandaang ipinagbawal ni Governor Manuel Mamba ang illegal na sugal na Jueteng, STL o peryahan ng bayan dahil na rin sa walang pinapayagan ang PCSO na mag-operate ang mga nasabing sugal at hakbang na rin upang makaiwas sa COVID-19.