3 lalaki, arestado dahil sa pagbebenta ng mga pekeng rubber shoes ng PNP

85

Manila, Philippines – Dinakip ng mga tauhan ng PNP CIDG ang tatlong lalaking nahuling nagbebenta ng mga pekeng rubber shoes ng PNP.

Kinilala ang mga ito na sina Mark Corporal, 33-anyos, nagsisilbing courier ng mga pekeng sapatos, Lorenzo Celestial 35-anyos, isang drayber at Rail Ramirez 25-anyos.


Sa ulat ng PNP CIDG, nahuli sa aktong nagbebenta ng mga pekeng athletic shoes ang mga suspek sa Scout Gandia St Corner 11th Jamboree Quezon city.

Ang entrapment operation ay ikinasa ng mga tauhan ng PNP CIDG Anti-Fraud And Commercial Crimes Unit sa pamamagitan ng kanilang Oplan Megashopper.Nakuha sa mga suspek ang 100 pares ng mga pekeng athletic shoes, marked money at sasakyang ginamit ng mga ito.

Isinagawa ang operasyon matapos na magreklamo ang Jp Group of Companies, Inc. dahil sa pamemeke sa kanilang produkto.

Facebook Comments

From Advertisers