3 lalaki, arestado sa pagnanakaw sa Pasay City

31

Arestado ang tatlong lalaki matapos nakawin ang ilang construction materials sa Bayshore avenue, MOA Complex, Barangay 76, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ricky Cabael, Angelo Benzon at Marvin Bintoy.


Sa imbestigasyon, nadiskubre ang pagnanakae ni John Hijon, safety engineer ng EEI Corporation kung saan naharang ang tatlo habang papalabas sa construction site ng SM Four E- Com Center Project.

Nakita sa loob ng mini-dump truck na plate number na AVK 7507 minamaneho ni bintoy ang 20 piraso ng fix scaffold coupler na nagkakahalaha ng 2,500.00; 6 na piraso ng swivel scaffold clamp na nagkakahalaga ng 750.00 at 3 pirado ng sleeve scaffold coupler na 562.80 ang halaga.

Napag-alaman pa na ang ginamit na sasakyan ng mga suspek ay hindi din ipinaaalam sa management ng kumpaniyang Father and Son ZJANS Hauling Services kaya at naging patong-patong ang kanilang kaso.

Aminado ang tatlo sa pagnanakaw dahil nagipit lang sa pera dahil malayo pa ang araw ng sweldo.

Facebook Comments