3 Lalaki, Arestado sa Pangangarnap!

Nahaharap ngayon sa kasong Carnapping ang tatlong kalalakihan matapos na madakip sa pagtangay ng mga motorsiklo na pagmamay-ari ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bayan ng San Agustin, Isabela noong madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Nhorvin Pascual, 19 anyos, residente ng Brgy. Dagupan West, Ben Joe Alejandro, 26 anyos, isang security guard, residente ng Brgy. Bulanao at Denver Madriaga, 20 anyos, at residente naman ng Laya West na pawang mga taga Tabuk City, Kalinga.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nahuli ang tatlong suspek sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela matapos masangkot sa insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela.


Nakuha naman sa pag iingat ng mga suspek ang tatlong Honda XRM na motorsiklo na pag-aari nina FO1 Herbert Nastor, Joselino Saquing, at Rodolfo Sugay.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP San Agustin ang tatlong suspek na nahaharap sa kanilang kaso.

Facebook Comments