3 Lalaki, Huli sa Aktong Pagsusugal sa Gitna ng Enhanced Community Quarantine!

168

Cauayan City, Isabela- Naudlot ang pagsusugal ng tatlong (3) kalalakihan matapos na matiklo at maaresto ng kapulisan sa Sitio Pantalan, Brgy Moldero, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Robert Paguirigan, 49 anyos, drayber, residente ng Pilig Alto, Cabagan, Isabela, Arnold Queja, 41 anyos, Samuel Jose, 61 anyos, kapwa magsasaka at residente ng Sitio Pantalan, Brgy. Moldero, Tumauini, Isabela.


Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj. Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, habang nagpapatrolya ang mga tropa ng pulisya sa kanilang nasasakupan ay naaktuhan ang mga suspek na kasalukuyang naglalaro ng ‘Tong-its’ sa bahay ng isang suspek na si Jose.

Dahil dito, agad na inaresto ang tatlong suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Nakumpiska sa lugar ang dalawang (2) set ng baraha, lamesa, apat (4) na upuan at pera na nagkakahalaga ng Php1,490.00.

Facebook Comments