3 Lalaki, Inaresto matapos Magsinungaling sa Korte

51

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang tatlo lalaki matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto ng mga nito sa Brgy. Lacab, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na sina Willian Guillermo, 35 anyos, laborer at Romelo Cristobal, 43 anyos, isang magsasaka at Herwin Guillermo, 33 anyos at kapwa mga residente ng Brgy. Lacab, Jones, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng Jones Police Station, ipinalabas ni kagalang galang hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague Isabela para sa kasong Perjury.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga suspek kung makakapaglagak ng piyansang P12,000.00 bawat isa.

Sa ngayon ay nananatili sa himpilan ng pulisya ang mga akusado.

Facebook Comments