3 lalaking drug pusher sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang tatlong lalaking hinihinalang drug pushers sa Muntinlupa City, matapos ikasa ang buy-bust operation pasado alas-8:30 kagabi sa kahabaan ng Argana, Brgy. Poblacion sa nasabing lungsod.

Nakilala ang mga suspek na sina Federico Mindame Argana Jr. alyas Matthew; Mark Gregory Borile Tabora alyas Inggo; at Rommel OrdoƱio Arroyo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 5 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P34,000.00 at P300.00 na perang ginamit bilang buy-bust money.


Ang nasabing operasyon ay pinagsanib pwersa ng Muntinlupa Police Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Facebook Comments