Kinilala ang suspek na sina Amiel Stevenson A Danan, 24-anyos; Rhandelle Mharc B Tolentino, 33-anyos; at Don Paul John S Ociano, 26-anyos, pawang mga residente ng Cabalan, Olongapo City.
Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang isang stainless bowl na naglalaman ng mga tuyong dahon ng hinihinalang “Marijuana”; isang improvised tube na may nakasilid na kaparehong materyal; lighter; isang unit ng Armscor cal. 45 na may dalawang magazine; labindalawang bala ng nasabing kalibre ng baril; pera na nagkakahalaga ng Php150,475.00; at isang red Toyota Innova.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang tatlong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 2 ng Santiago City Police Office (SCPO).