3 Lalaking Nakilamay, Huli sa Aktong Pagsusugal!

123

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga alagad ng batas ang tatlong (3) kalalakihan matapos na maaktuhang nagsusugal sa isang lamayan sa Brgy. Quezon, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Mateo Caronan, 57 taong gulang, Vicente Torre, 62 taong gulang, at si Henry Bautista, 51 taong gulang, pawang mga residente ng Brgy. Quezon, Naguilian, Isabela.


Sa nakuhang impomrasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nagpapatrolya sa kanilang nasasakupan ang tropa ng PNP Naguilian ay namataan ang nagkukumpulang kalalakihan sa isang lamayan at nang nilapitan ang mga ito ay kanya-kanyang nagsitakbuhan.

Nabatid na naglalaro ang mga ito ng ‘Tong-its’ kung saan naaresto ang tatlong suspek na naiwan sa lugar.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang anim (6) na piraso ng upuan, dalawang (2) lamesa, limang (5) set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng Php290.00.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments