3-libo na bagong miyembro ng PDP Laban sa Bacolod, may mass oath taking ngayon araw

Bacolod City – Manunumpa ngayong araw ang tatlong libong bagong mga miembro ng PDP Laban Bacolod City Chapter.

Ang mass oath taking ay pangungunahan ni House Speaker Pantaleon Alvares at BIR Deputy Commissioner Clint Aranas.

Kasama sa dadalo si Bacolod City Mayor Evelio Bing Leonardia na ayon sa kanya hindi pa niya alam kung ano ang kanyang magiging designation sa partido.


Maliban sa oath taking, may gagawin din na lecture at membership seminar at advance talk para sa federalism.

Ang oath taking ay gaganapin sa sa gym ng University of Negros Occidental – Recoletos sa Bacolod.

Facebook Comments