3 libong high powered firearms at tatlong milyong mga bala na binigay ng China, mapupunta sa PNP

Manila, Philippines – Mapupunta sa special unit ng Phil. National Police ang tatlong libong M4 rifle na ibinigay ng China sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año matapos ang isinagawang handover ceremony ng mga armas na ito sa Camp Aguinaldo.

Naniniwala si General Año na malaki ang maitutulong ng mga armas na ito sa mga operasyon kontra iligal na droga ng PNP.


Bukod sa tatlong libong mga M4 rifle mapupunta rin sa PNP ang tatlong milyong rounds ng assorted ammunitions.

Ang matitira lamang sa AFP ay ang 90 sets ng sniper scope na malaking tulong daw sa operasyon ng militar laban sa mga terorista.

Facebook Comments