Manila, Philippines – Tiniyak ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na wala ng Tara system sa kanyang Administration matapos na masampulan at masibak ang dalawang istrict collector sa tumatanggap umano ng Tara sa ahensiya.
Ayon kay Lapeña bahagi ng screening process na sinasala ang lahat na papasok sa BOC kung saan 3 libong vacant position ang kailangan ngayon ng ahensiya.
Paliwanag ni Lapeña na mahalaga na makuha nila ang target na 468 bilyong piso kung saan ay inoobliga nila ang mga mga District collector na makuha ang target na 50.1 bilyong piso bawat buwan.
Giit pa ng BOC opisyal na mahalaga na hindi maantala ang mga kargamento dahil dito umano ang tukso kaya nagkakaroon ng Tara System kayat iminungkahi nito na dapat 3 hanggang 5 araw lamang ay agad mairelease na agad ang mga kargamento upang maiwasan ang lagayan o Tara system sa BOC.