Logistics company na Lalamove, naglagay na rin ng facial recognition technology sa kanilang application

Hinigpitan na ng logistics company na Lalamove ang security features ng kanilang mobile application.

Tinalakay kasi sa Senate Committee on Public Services ang mga pekeng packages at orders sa delivery apps tulad ng Lalamove kung saan tinukoy ni Committee Chairman Raffy Tulfo na may mga sumbong sa kaniya na ang dumating na order ay bato na ang laman at hindi ang totoong produkto.

Kinumpirma rin ng Lalamove na mayroon pang mga report sa kanila na ibinebenta ang account ng mga riders na nagagamit sa mga scams.


Ayon kay Lalamove Legal Specialist Atty. Marx Bulosan, naglagay sila ng facial recognition technology sa kanilang application kung saan kapag napansin ng user na iba ang driver o iba ang gamit na sasakyan doon sa naka-rehistro sa app ay maaari itong i-report agad sa kanila at otomatiko nilang iba-ban ang driver sa platform.

Sa ganitong paraan ay hindi na nila magagamit ang platform at maiiwasang maimbenta ito o magkaroon ng shared account.

Facebook Comments