Cauayan City – Bumida ang probinsya ng Isabela matapos na makamit ng 3 lungsod at 27 bayan ang Seal of Good Local Governance Award 2024.
Pinarangalan ang lungsod ng Cauayan, Lungsod ng Ilagan, at Lungsod ng Santiago, habang 27 sa 34 na bayan ng Isabela ang kinilala rin sa mahusay na pamamahala.
Kabilang dito ang Angadanan, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cordon, Delfin Albano, Dinapigue, Echague, Gamu, Jones, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Quirino, Reina Mercedes, Roxas, San Guillermo, San Isidro, San Manuel, San Mariano, San Mateo, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, at Tumauini.
Ang bayan ng San Mateo ay tumanggap ng SGLG award sa ikawalong pagkakataon, habang unang beses namang naparangalan ang bayan ng Dinapigue, Maconacon, San Agustin, at San Pablo.
Ang parangal na ito ay patunay ng dedikasyon ng mga lungsod at bayan ng Isabela sa maayos at makabagong pamamahala, pati na rin sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa kanilang mamamayan.