3-M labor force, kakailanganin ng gobyerno para sa mga 70 mga infrastracture project sa bansa

Iprinisenta ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang ang panukalang Philippine Labor and Employment Plan o LEP para ngayong taon hanggang taong 2028.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Laguesma na tinalakay nila kasama ang pangulo ang mga pangunahing layunin o target ng Labor and Employment Plan (LEP).

Isa aniya sa mga layunin ng LEP ay makabigay ng mas maraming trabaho at equal access sa job opportunities para sa mga Pilipino.


Sa katunayan ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na dumalo rin sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo na naglaan ang pamahalaan ng ₱8 bilyon para sa maliliit at malalaking kontrata para sa public infrastracture projects ngayong taon.

Ito aniya ang lilikha ng tatlong milyong labor force partikular mga skilled at technical people.

Makikipagtulungan naman ayon kay Secretary Bonoan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa training ng mga Pilipinong nais mapabilang sa tatlong milyong labor force pero walang kasanayan.

Sa usapin naman nang magiging sweldo ng target na tatlong milyong labor force sinabi ni DOLE Secretary Laguesma ito ay nakabatay sa labor market o supply and demand forces, ito ang magdidikta ng presyo o halaga sa sweldo ng mga empleyado.

Sa kabila nito sinabi ni Secretary Bonoan ang trabaho sa gobyerno pa rin ang may pinakamalaking sweldo para sa mga skilled labor at technical people para sa public infractrature projects sa Pilipinas.

Naglalaro aniya sa 35,000 kada buwan ang entry level position pa lamang para sa isang civil engineer.

Facebook Comments