3-M Moderna COVID-19 vaccines, darating sa bansa sa Martes

Nasa tatlong milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa Martes.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang nasabing bakuna ay donasyon ng gobyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Kasabay nito, hinikayat ni Dizon ang publiko na magpabakuna na.


Dapat din aniyang gamitin ang nakatakdang pagpapairal ng enhanced community quarantine sa Metro Manila para mapalakas ang testing, isolation at vaccination program.

Mahalaga din na mapigilan ang hawaan para maiwasan ang lalong paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant at upang maiwasang mapuno ng pasyente ang mga ospital.

Facebook Comments