3 magkakasunod na aktibidad, nakatakdang daluhan ni PBBM ngayong araw

Muling magiging abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa sunod-sunod na mga aktibidad ngayong araw na ito.

Alas-11:00 ngayong umaga magsisimula ang trabaho ng Punong Ehekutibo at ito ay ang gagawin nitong pagdalo sa 6th edition of Water Philippines Conference and Exposition na gaganapin sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.

Agad namang didiretso ang presidente sa Function Hall 5 Ng SMX Convention Center para sa ikalawang aktibidad nito at ito ay ang gagawin nitong pangunguna sa 33rd Biennial Convention of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.


Alas-12:00 ng tanghali inaasahan ang Chief Executive para sa kanyang ikalawang event.

Pagkatapos nitoy babalik naman ang pangulo sa Malacañang para sa presentation of credentials ni resident ambassador – designate Alvaro Domingo Jara Bucarey Ng Republic of Chile gayundin Ng Qatar, Malaysia at Brunei.

Facebook Comments