3 magnanakaw sa Florida, binaril ng lalaki sa loob ng bahay na kanilang pinasok

Laking gulat ng tatlong magnanakaw mula Florida nang paulanan sila ng bala ng baril ng lalaking  nasa loob ng apartment na kanilang pinasok.

Base sa report ng mga pulis, nakuhanan sa surveillance video ang tatlo habang pinapasok ang naturang bahay.

Ang isa raw sa kanila ang pilit na nagbukas sa pinto gamit ang kanyang katawan.


Nang bumukas ay agad umanong tumakbo ang tatlo papasok sa loob ng bahay at makalipas ang ilang segundo ay makakarinig daw ng putok ng baril.

Dali-dali raw na tumakbo palabas ang mga kawatan kung saan ang isa ay tinamaan sa dibdib na agad namang nagamot sa ospital.

Ayon sa pulisya, ang dawalang kasama ng nabaril na lalaki ay kanilang natugis noong Miyerkules.

Samantala, ang lalaking pinasok ng mga magnanakaw ay hindi umano haharap sa anumang reklamo.

Facebook Comments