3 mahistrado mula sa Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals (CTA) ang magiging kauna-unahang appointees ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay matapos na matanggap na ng Malacañang ang isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) na shortlist ng mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa CA at CTA.
Dalawa sa itatalagang mahistrado ng Pangulong Marcos ay sa CA para sa binakante ng mga nagretirong sina Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello.
Kabuuang 13 ang kandidato para sa parehong posisyon ang kasama sa shortlist.
Isa naman ang hihirangin ni Marcos sa CTA para sa puwesto ng nagretirong si Associate Justice Juanito Castañeda.
Umabot naman sa 10 ang nominado para sa CTA post.
Facebook Comments