
Umarangkada na ang operational rollout ng tatlong major cybersecurity initiatives ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ito ay ang Bug Bounty program, DICT Trusted Assessment provider o D-TAP framework at Cybersecurity Posture Laboratory na inaasahang magpapalakas sa government’s cybersecurity capabilities.
Ayon kay Undersecretary Julius Gorospe ng DICT’s Cybersecurity, maituturing itong strategic shift mula sa simpleng pagtukoy sa mga banta tungo sa mas matatag at agarang pagpapatupad ng mga kongkretong solusyon.
Paliwanag ni Gorospe, ang Bug Bounty Program ay humihikayat sa mga ethical hacker na responsableng iulat ang mga kahinaan sa mga sistema ng pamahalaan.
Ito’y upang mas mapatatag ang seguridad ng mga online na serbisyong araw-araw na ginagamit ng milyun-milyong Pilipino.
Ipinaliwanag naman ni ni DICT Cybersecurity Director George Tardio na ang CPAL ay tagapagbigay ng sistematikong pagsusuri ng mga ahensya at organisasyon na matukoy nang maaga ang mga kahinaan at mapalakas ang kanilang depensa bago pa man maganap ang mga cyberattack.










