3 major global tourism title, nasungkit ng Pilipinas sa World Travel Awards 2025

Muling nagwagi ang Pilipinas sa World Travel Awards 2025.

Ito’y matapos masungkit ang tatlong major global titles, kabilang ang World’s Leading Dive Destination para sa ikapitong sunod na taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), pinapatibay ng mga parangal ang kumpiyansa sa tourism sector, lalo na sa marine biodiversity, cultural attractions, at high-end island experiences ng bansa.

Sa Grand Final Gala Ceremony sa Bahrain, nanalo ang Manila bilang World’s Leading City Destination para sa ikatlong sunod na taon, habang nakuha ng Boracay ang World’s Leading Luxury Island Destination para sa second consecutive year.

Matatandaang itinatag noong 1993 ang World Travel Awards at kinikilalang kabilang sa pinakamataas na parangal sa global travel at tourism industry.

Facebook Comments