3 malalaking airport sa bansa, dinagsa ng mga biyahero nitong Christmas Season

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dinagsa ng malaking volume ng mga pasahero ang 3 malalaking airport sa bansa nitong Christmas Season.

Kabilang dito ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport At Cebu-Mactan International Airport.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang naturang mga paliparan kasi ang may pinakamaraming flights patungo sa mga lalawigan sa bansa.


Maliban diyan, normal naman aniya ang dami ng mga pasahero sa mahigit 40 mga airport sa bansa na pinangangasiwaan ng CAAP.

Pinaghandaan naman ng CAAP ang muling pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong linggong ito o bago magbagong taon.

Facebook Comments