3 mangingisda, nailigtas mula sa lumubog na fishing boat sa Grande Island, Subic

 Nailigtas ng Harbor Patrol Division ng Law Enforcement Department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang tatlong mangingisda sa lumubog na bangkang pangisda sa Grande Island, Subic, Zambales ganap na 5:32 pm nitong Biyernes.

Sa report mula sa SBMA led, kinilala ang mga nailigtas na sina Resty Geram, 22; Darryl Monteverde, 15; at Mark John Razon, 14 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Matain, Subic, Zambales.

Ayon kay Harbor Patrol Officer Norman Lucero, nang matanggap nila ang ulat ng lumubog na fishing boat ay kaagad niyang pina-deploy ang kanyang mga tauhan na sina Soliven Mejos at Thomas Fabiana at kaagad na nasagip ang Tatlong Distressed Fishermen at Nadala Sa Harbor Patrol Office kasama ng Tyron Jake fishing boat.

Ayon sa mga mangingisda, galing umano sila sa Morong, Bataan area at hinampas ng malalaking alon ang kanilang bangka habang papauwi na sa Matain, Subic.

Facebook Comments