3 mangingisda, nailigtas sa Batanes

Photo Courtesy: PCG official page

Na-rescue ng isang Taiwanese fishing vessel na Xhin Zhenfeng no.3 ang tatlong Pilipinong mangingisda sa karagatan ng Batanes.

Nakilala ang tatlong mangingisda na sina Redento Fronda, 39-anyos, Jovani Tablisima, 24-anyos at Roland Duerme, 18-anyos.

Ayon kay Arthur Yang, ng Taipei Economic and Cultural Office, nagkaroon ng engine malfunctioned ang sinasakyang bangka ng mga tatlong mangingisda.


Aniya, kaagad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) para sunduin ang mga Pinoy na mangingisda.

Nabatid na nagtungo sa karagatan ng Calayaan Island ang mga mangingisda ng magkaproblema ang kanilang bangka.

Facebook Comments