Mary Jane Veloso, posibleng hindi idiretso sa ospital pagdating sa bansa —DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na posibleng hindi na idiretso sa pagamutan si Mary Jane Veloso pagdating nito sa bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, wala namang seryosong karamdaman si Mary Jane bagama’t may idinadaing itong problema sa cervix.

Sa kabila nito, sinabi ni De Vega na ang Department of Justice (DOJ) pa rin ang may pinal na desisyon kung ano ang magiging arrangement sa pagdating sa bansa ni Mary Jane.


Una nang lumiham sa pangulo ang pamilya Veloso para hilingin na mabigyan ng clemency si Mary Jane pagdating nito sa Pilipinas.

Sa kanilang magkahiwalay na liham, hiniling ng mag-asawang Celia at Cesar Veloso na maidiretso sana sa kanilang tahanan si Mary Jane pagdating nito sa bansa.

Facebook Comments