Muling binuksan ng Department of Health (DOH) ang tatlong mega quarantine facilities sa Metro Manila para mabawasan ang pagdagsa ng mga pasyente ng COVID-19 sa mga ospital.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mega quarantine na muling binuksan ay ang Rizal Memorial Coliseum na may 97 beds, Ninoy Aquino Stadium na may112 beds at Quezon Institute na may 112 beds.
Aniya, ilan lamang ito sa mga pasilidad na bubuksan para ma-decongest ang mga ospital
Ibig sabihin, yung mga pasyente na gumagaling na pwedeng bantayan na lang sa mga ganitong pasilidad.
Bukod dito, humanap na rin ang DOH ng hotels para mailipat ang mga healthcare workers na tinamaan ng sakit at karamihan ay mga mild at asymptomatic na nasa ospital.
Sinabi naman ni Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega na magtatayo ang gobyerno ng mga field o modular hospitals na tatanggap ng mga pasyente kasunod ng COVID-19 cases surge.
Aniya, tatagal ng 45 na araw ang pagpapatayo ng mga field o modular hospitals sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH).