Naharang ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 3 menor de edad na ni-recruit magtrabaho abroad.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, nasagip ang mga ito habang pasakay ng Gulf Air flight patungong Saudi Arabia nitong Linggo.
Sinabi pa ni Medina na habang ini-enterogate ang 3 nagpresenta sila ng mga pekeng dokumento kabilang ang passport na mayroong pekeng birthdates na nagsasaad na sila ay 23 taong gulang para makapagtrabaho sa Saudi.
Dito na pinigil ang mga menor de edad dahil sa paglabag sa anti-trafficking law .
Agad namang itinurn over ang 3 sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon.
Matatandaan noong isang linggo nakasagip din ng mga tauhan ng immigration ng isang 21 taong gulang na babae na nagpanggap na 25 taong gulang at pinangakuan umano ng trabaho abroad.