3 menor de edad, nakuhaan ng marijuana at baril sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong menor de edad dahil sa iligal na droga sa Tondo, Maynila.

Nagsagawa noon ng anti-criminality campaign ang mga pulis sa Herbosa Street na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo na may edad 15 hanggang 17.

Nakuha sa mga binatilyo ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang marijuana, kalibre .38 na baril at tatlong live ammunition.


Inihahanda na mga kasong isasampa laban sa tatlong menor de edad kabilang ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments